-- ADVERTISEMENT --

KALIBO, Aklan—Naghain ng proposed bill si Aklan 1st District Congressman Jess Marquez na naglalayon na magkaroon ng sistema ng impormasyon sa agrikultura na lubos na makatulong sa mga magsasaka at mga mangingisda sa bansa.

Sa ilalim ng House Bill 2890 na kilala rin bilang “Agricultural Information System Act”, layon nito na magtatag ng matibay na sistema ng impormasyon sa agrikultura bilang suporta sa mga magsasaka at mangingisda sa pamamagitan ng kaukulang teknolohiya at research, sapat na pondo na pang-produksyon, marketing, at iba pang serbisyong pangsuporta.

Ayon pa kay Cong. Marquez na nais nitong isulong ang seguridad sa pagkain, bawasan ang kahirapan at mabigyang kapangyarihan ang mga magsasaka at mangingisda sa pamamagitan ng epektibong pagkaroon ng impormasyon.

Maliban dito, ilan pa sa mga bills na kaniyang inihain ay ang Magna Carta for Barangay Health Workers, Free Board Exams for Indigent Graduates, at Salary Increase for Government Employees.

Lahat nang ito aniya ay nakatuon upang mapaunlad ang kabuhayan, serbisyo at oportunidad.

-- ADVERTISEMENT --

Sa kabilang dako, ikinatuwa naman ng kongresista ang apat na komitiba na ibinigay sa kaniya bilang vice chairperson.

Kinabibilangan ito ng Committee on Information and Communications Technology , Committee on Visayas Development Economic Affairs ag Committee on Public Works and Highways .

Lahat nang ito aniya ay mga komitiba na nais niyang mahawakan.