-- ADVERTISEMENT --

Nagpahayag ang Commission on Population and Development (CPD) ng pag-aalala sa patuloy na pagtaas ng maaga at hindi planadong pagbubuntis sa bansa, lalo na sa mga batang babae edad 10 hanggang 14, at binigyang-diin ang mahalagang papel ng edukasyon sa pagresolba nito.

Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), umabot sa 138,697 ang live births mula sa mga babaeng edad 10 hanggang 19. Sa bilang na ito, 3,560 ay mula sa edad 10 hanggang 14 noong 2024, mas mataas kaysa sa 3,343 noong 2023.

Iniuugnay ang maagang pagbubuntis sa kahirapan at kakulangan sa edukasyon. Pinalalakas ng CPD ang reproductive health education at life skills training sa mga paaralan at komunidad, katuwang ang mga lokal na pamahalaan sa programang “Parent-Teen Talk” at sa pagpapatupad ng Executive Order No. 141, gayundin ang integrasyon nito sa kurikulum ng Department of Education (DepEd).

Itinuturong mga salik ang maling impormasyon sa social media, kakulangan sa gabay ng magulang, at limitadong serbisyong pangkalusugan. Sa pag-aaral ni Alejandro Herrin, tinatayang PHP33 bilyon ang nawawala sa ekonomiya taun-taon dahil sa teenage pregnancy.