Haeos 670,000 ektarya it mga paeayan, mahimo nga maapektuhan sa pagdaeasa it bagyong Gener
-- ADVERTISEMENT --

Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na mapapakinabangan ng mga magsasaka at mangingisda ang ₱6.793 trilyong pambansang badyet na inilaan upang palakasin ang sektor ng agrikultura sa bansa. Layunin ng pondong ito na mapaigting ang lokal na produksyon ng pagkain at matiyak ang pangmatagalang seguridad sa pagkain.

Binigyang-diin ng ahensya ang masusing pagsusuri sa 2026 General Appropriations Act upang matiyak na ang pondo ay direktang makatutulong hindi lamang sa mga pangunahing sektor tulad ng agrikultura at pangingisda, kundi pati na rin sa mga mamimili at iba pang kalahok sa value chain. Kabilang sa mga prayoridad ang mga reporma sa food security, post-harvest support, modernisasyon, kakayahang makaangkop sa climate change, at pagtugon sa mga hamon sa logistics.

Kasama rin ang DA sa mga ahensyang nabigyan ng karagdagang pondo mula sa realignment ng flood control funds upang mapalakas ang suporta sa sektor. Ilan sa mahahalagang bahagi ng badyet ang pinalawak na programang “Benteng Bigas Meron (BBM) Na,” ₱20 bilyon para sa Animal Industry Competitiveness Act, ₱33 bilyon para sa konstruksyon ng farm-to-market roads, at ₱30 bilyon para sa Rice Competitiveness Enhancement Fund.