-- ADVERTISEMENT --
Dalawang katao ang nasawi at ilan pa ang pinangangambahang nawawala matapos ang mga pagguho ng lupa sa North Island ng New Zealand na dulot ng matinding pag-ulan. Patuloy ang search and rescue operations sa Welcome Bay at sa isang campground sa Mount Maunganui, kung saan natabunan ang mga caravan at tent.
Idineklara ang state of emergency sa Bay of Plenty at iba pang bahagi ng North Island dahil sa malawakang pagbaha, pagguho ng lupa, at pagkawala ng kuryente. Ang Mount Maunganui, isang sagradong lugar ng mga Māori at tanyag na destinasyong panturista.













