-- ADVERTISEMENT --

Ipinag-utos ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang pagpapadala ng subpoena kay dating Ako Bicol Party-list Representative Elizaldy “Zaldy” Co upang humarap sa pagdinig ng komisyon.

Ayon sa ICI Executive Director Brian Keith Hosaka, ipinadala ang subpoena sa huling kilalang address ni Co sa Pasig at Bicol. Nakatakdang ganapin ang mga pagdinig sa Nobyembre 11 at 12, matapos siyang unang ipatawag noong Oktubre 8.

Si Co, dating chairperson ng House Appropriations Committee, ay nasangkot sa umano’y pagtanggap ng kickback mula sa mga kuwestiyonableng proyekto sa flood control. Nabatid na nasa Estados Unidos umano siya para magpagamot nang lumabas ang mga paratang. Nagbitiw siya sa Kamara noong Setyembre 29.