-- ADVERTISEMENT --

KALIBO, Aklan—Nilinaw ni dating Senador Antonio Trillanes IV na inimbitahan ito ng International Criminal Court (ICC) kung bakit nakapunta siya kamakailan lamang sa The Hague, Netherlands.

Aniya, simula pa noong 2017 ay may komunikasyon at koneksyon na ito sa ICC matapos ang kaniyang unang appearance nang maghain ito ng kaso laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Inamin ni Trillanes na isa siya sa mga tumutulong sa kaso ng mga biktima upang makuha ng mga ito ang ipinagsisigawan at inaasam-asam na hustisya partikular ang paghain ng mga ebidensya.

Dagdag pa ng dating senador, nakakulong ang dating presidente dahil sa may pagkakasala ito lalo na’t nilabag nito ang karapatang pantao ng publiko.

Dapat aniya malaman ng mamamayan na ang kinakaharap na kasong crimes against humanity ni Duterte ay dahil sa kaniyang mga iniutos na umanoy pagpapatay sa libo-libong biktima ng kaniyang war on drugs na binansagan pang extra judicial killing.

-- ADVERTISEMENT --

Ang paggamit aniya ng kamay na bakal ni Duterte ay mula pa nang siya ang alkalde ng Davao City hanggang sa naging presidente ng bansa.