Napili na ni President Ferdinand Marcos Jr., si Department of Justice (DOJ) secretary, Jesus Crispin “Boying” Remulla, bilang bagong Ombudsman.
Mananatili siya sa nasabing posisyon sa loob ng pitong taon o hanggang sa 2032.
Nalampasan ni Remulla ang anim na iba pang kandidatong kabilang sa shortlist, kasama ang heavyweight contenders kagaya ni Philippine Competition Commission chairperson Michael Aguinaldo.
Bilang bagong Ombudsman, ang dating DOJ chief ay hahawak ng malaking kapangyarihan. Pangungunahan nito ang constitutional body sa 1987 Constitution na mag-prosecute, mag-suspend, tumanggal, at kahit mag-sampa ng criminal cases laban sa mga pasaway na government officials.
Pinalitan ni Remulla ang Duterte appointee na si dating ombudsman Samuel Martires na nagretiro noong July ng kasalukuyang taon.