-- ADVERTISEMENT --

Nilinaw ng Department of Budget and Management (DBM) na maaari pa ring ipatupad ang mga probisyon ng 2026 national budget na hindi saklaw ng desisyon ng Supreme Court (SC) tungkol sa unprogrammed appropriations.

Ayon sa DBM, susundin nito ang direktiba ng Korte Suprema na nagdeklara sa ilang probisyon ng unprogrammed appropriations sa 2026 General Appropriations Act bilang labag sa Konstitusyon.

Samantala, pinag-aaralan pa ng ahensya kasama ang Office of the Solicitor General ang epekto ng desisyon ng SC sa 2025 national budget, partikular sa ₱17.99-bilyong dagdag sa Special Road Fund ng Department of Public Works and Highways.

Tiniyak ng DBM na wala pang pangkalahatang suspensyon sa pagpapalabas ng pondo sa ilalim ng 2025 budget habang nililinaw kung aling mga alokasyon ang maaari pang ilabas.

Inaasahan din ng ahensya na maipapasa sa takdang panahon ang panukalang ₱7.2-trilyong pambansang badyet para sa 2027.

-- ADVERTISEMENT --