Sinang-ayunan ng Department of Budget and Management (DBM) ang panukalang gawing bukas sa publiko ang deliberasyon ng pambansang pondo para sa 2026.
Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, mahalaga ang transparency sa proseso upang mabantayan ng publiko at mga opisyal ang mga pagbabago sa National Expenditure Program (NEP). Layunin din nitong ipakita ang mga prayoridad ng Kongreso at tiyakin ang wastong paggamit ng buwis ng mamamayan.
Ang pahayag ni Pangandaman ay kasunod ng panukala ni House Speaker Martin Romualdez na buksan ang bicameral budget deliberations, na sinuportahan din ng ilang senador.
Matatandaang inaprubahan ng Development Budget Coordination Committee (DBCC), sa pangunguna ni Pangandaman, ang ₱6.793 trilyon na panukalang pondo para sa 2026, mas mataas ng 7.4% kumpara sa ₱6.326 trilyon na budget ngayong 2025.