Inatasan ng Department of Education (DepEd) ang lahat ng regional at division offices nito na magpasa ng detalyadong ulat kaugnay sa hindi natapos o mga “ghost” projects sa mga school building.
Sa memorandum na may petsang Setyembre 12, 2025, nagpaalala si Assistant Secretary for Human Resource and Organizational Development and Education Facilities Division Aurelio Paulo R. Bartolome sa mga field office ng kanilang tungkulin na manindigan sa transparency kasunod ng mga nakitang iregularidad sa konstruksyon sa mga paaralan.
Inatasan ang mga regional director, schools division superintendents, district supervisors, at DepEd engineers na tukuyin at isumbong ang mga maanomalyang kaso katulad ng matagal na pagkakahinto ng konstruksyon, incomplete delivery, o kapalpakan sa istruktura.
Inoobliga rin ng memo ang mga regional office na makipag-ugnayan sa Department of Public Works and Highways (DPWH) upang suriin ang mga rekord ng school building projects sa kanilang nasasakupan.
Inaatasan ng DepEd ang lahat ng opisina na:
Identify irregularities in school infrastructure projects.
Coordinate with DPWH for record reconciliation.
Submit validated reports using the prescribed template within 15 working days of the memo’s issuance.
Consolidate findings through regional engineers and send reports to the DepEd Central Office at oas.hrod@deped.gov.ph.
Ang consolidated reports ay gagamitin ng DepEd Central Office para maayos at mapanagot ang mga responsable rito.
Idinagdag pa na layon ng hakbang na maiwasan na makaapekto ang mga hindi tapos at substandard na imprastruktura sa pag-aaral ng mga estudyante, maging sa kanilang kaligtasan.