Itinampok ng Department of Education (DepEd) sa 16th ASEAN Qualifications Reference Framework Committee (AQRFC) Meeting ang kahalagahan ng mas malakas na koordinasyon sa pagitan ng paaralan, training providers, industriya, at gobyerno.
Binanggit ang pag-update sa Philippine Qualifications Framework (PQF) na may walong antas, na may malinaw na pathways sa pagitan ng technical-vocational at higher education, pati na rin ang integrasyon ng micro-credentials para sa lifelong learning.
Pinuna rin ang pangangailangan ng inter-agency collaboration upang tugunan ang employment mismatch at curriculum gaps, kasama ang pagbuo ng unified labor market information system sa pakikipagtulungan sa TESDA, CHED, at DOLE.
Layunin ng mga hakbang na mas suportahan ang mga mag-aaral at ihanda sila sa technical-vocational programs hanggang sa kanilang pagpasok sa workforce.













