Tiniyak ng Department of Education (DepEd) ang kahandaan nito sa posibleng epekto ng Bagyong Uwan, habang nagpapatuloy ang rehabilitasyon at learning recovery sa mga paaralang naapektuhan ng Bagyong Tino.
Bilang bahagi ng pagpapatuloy ng pag-aaral, ipinadala ng kagawaran ang mga EduKahon kits at alternative learning materials sa mga apektadong lugar. Gagamitin din ang Dynamic Learning Program (DLP) Learning Activity Sheets upang matiyak na magpapatuloy ang pagkatuto ng mga mag-aaral kahit sa panahon ng kalamidad.
Tinatayang P1.86 bilyon ang kinakailangan para sa minor classroom repairs at P30.63 milyon para sa cleanup at clearing operations sa 407 paaralan na naapektuhan.
Patuloy ang pagtutok ng DepEd sa kaligtasan at kapakanan ng mga mag-aaral at sa mabilis na pagpapanumbalik ng mga silid-aralan upang matiyak ang tuloy-tuloy na edukasyon sa gitna ng mga kalamidad.












