KALIBO, Aklan—Kasunod ng irrevocable resignation ni Aklan second district board member Jose Ceciron Lorenzo Haresco, nagkaroon ng permanent vacancy sa Sangguniang Panlalawigan na kailangan kaagad mapunan.
Kaugnay nito, ipinaliwanag ni Dino Ponsaran, provincial director ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Aklan na magmumula sa political party na nakasaad sa kaniyang certificate of candidacy ang papalit sa opisyal.
Alinsunod din ito sa local government code kung saan, magkakaroon ng nominasyon mula sa nasabing political party at kailangang kumpletuhin ang dokumento bago i-present sa plenaryo ng SP Aklan at sa tanggapan ng DILG.
Dagdag pa ni Ponsaran na mabusisi nilang sinisiyasat na kung ang nominee ay mula mismo sa political party na gumawa ng vacancy na opisyal.
Nabatid na ito ang unang pagkakataon sa kasaysayan ng Sangguniang Panlalawigan ng Aklan na may nag-resign na miyembro.
Matatandaan na nanalo si Haresco noong May 12, 2025 Midterm Election bilang miyembro ng Sangguniang Panlalwigan 2nd district it Aklan na nakakuha ng may pinakamataas na boto na 92,199.
Nakatakda pa sanang magtapos ang kaniyang unang termino sa 2028.