-- ADVERTISEMENT --

Ipinahayag ng Department of Health na nakahanda ang mga emergency department ng mga ospital nito para sa inaasahang pagdami ng kaso ng heat-related illnesses ngayong tag-init.

Karamihan sa mga kaso ay hindi nangangailangan ng pagpapaospital at maaaring malunasan sa simpleng pagpapalamig ng katawan at pag-inom ng tubig. Gayunman, ang malulubhang kondisyon tulad ng heat stroke at heat exhaustion ay nangangailangan ng agarang atensyong medikal.

Tiniyak ng DOH na handa ang kanilang mga pasilidad upang tumugon sa mga ganitong uri ng emerhensiya.