-- ADVERTISEMENT --

HEALTH News — Pinaigting ng Department of Health (DOH) ang kampanya nito upang palawakin ang kaalaman ng publiko tungkol sa ketong o Hansen’s disease, at binigyang-diin na ito ay nagagamot at maiiwasan ang pagkalat sa pamamagitan ng maagang pagpapagamot.

Ayon sa DOH, may libreng gamot na makukuha sa mga pampublikong health center. Ilan sa mga sintomas ng sakit ang sugat sa balat, pamamanhid o pinsala sa ugat, at iba pang komplikasyon na maaaring humantong sa permanenteng deformidad kapag hindi naagapan.

Samantala, tiniyak ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na may nakalaang benepisyong pinansyal na hanggang PHP17,160 para sa mga pasyente sa mga akreditadong ospital sa buong bansa.

Hinimok ng DOH ang publiko na magpakonsulta agad kung may sintomas at iwasan ang diskriminasyon sa mga may sakit, dahil mahalaga ang tamang impormasyon, maagang gamutan, at suporta ng komunidad upang mapigilan ang pagkalat ng ketong.