HEALTH News — Pinalawig ng Department of Health hanggang Pebrero 20, 2026 ang kampanyang “Ligtas Tigdas” matapos mabakunahan ang mahigit 2.2 milyong bata sa Mindanao at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mind Mindanao laban sa tigdas.
Sa tala mula Enero 19 hanggang Pebrero 15, umabot sa 2,299,034 batang edad anim hanggang 59 buwan ang nabigyan ng bakuna. Pinakamataas ang naitala sa Bangsamoro region na may 511,321 o 89 porsiyento ng target, kasunod ang Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Soccsksargen, Davao, at Caraga.
Gayunman, may natitira pang libo-libong bata ang hindi pa nababakunahan sa iba’t ibang rehiyon. Layunin ng pagpapalawig ng kampanya na maabot ang mas maraming batang wala pang limang taong gulang at maiwasan ang posibleng pagkalat ng tigdas.













