-- ADVERTISEMENT --

Binasura ng Department of Justice ang tatlong excise tax complaint laban kina Curlee at Sarah Discaya kaugnay ng luxury vehicles, matapos mapag-alamang hindi sila ang importer ng mga sasakyan. Ang pananagutan sa pagbabayad ng excise tax ay nakasalalay sa tunay na nag-import ng mga kotse.

Ang tatlong kasong ito ay bahagi ng limang tax cases na isinailalim sa preliminary investigation ng DOJ, habang dalawa pang kaso ang nakatakdang isampa sa Court of Tax Appeals dahil sa diumano’y pagtatago ng kita sa income tax returns ng mag-asawa para sa 2020 at 2021.

Si Sarah Discaya ay nakakulong sa Lapu-Lapu City Jail, at si Curlee naman ay nasa kustodiya ng Senado. Noong Disyembre 2025, kinasuhan rin sila ng Office of the Ombudsman kaugnay ng P96.5-milyong ghost flood control project sa Davao Occidental; parehong nagdeklara ng not guilty sa graft at malversation.