-- ADVERTISEMENT --

Nilinaw ng Department of Justice (DOJ) na maaaring makipag-ugnayan ang pamahalaan sa International Criminal Court (ICC) kahit hindi na kasapi ang Pilipinas sa Rome Statute, dahil wala umanong umiiral na batas na nagbabawal dito.

Lumabas ang paglilinaw matapos aminin ni Jesus Crispin Remulla, dating kalihim ng DOJ at kasalukuyang Ombudsman, na nakipagpulong siya sa mga opisyal ng ICC. Mayroon ding mga alegasyon mula sa ilang dating miyembro ng Philippine Marines at Navy hinggil sa umano’y mga pulong noong siya pa ang namumuno sa kagawaran.

Gayunman, naghihintay pa ang DOJ sa magiging desisyon ng Supreme Court of the Philippines sa mga petisyong kumukuwestiyon sa pakikipag-ugnayan ng gobyerno sa ICC, kabilang ang isyu ng pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.