-- ADVERTISEMENT --

Pinapaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer na ilabas ang final pay at certificate of employment (COE) ng kanilang mga manggagawa sa tamang oras, matapos maging pangunahing isyu noong nakaraang taon ang mga tanong tungkol sa final pay.

Ayon sa DOLE, batay sa Labor Advisory No. 06, series of 2020, dapat ibigay ng employer ang final pay ng empleyado sa loob ng 30 araw mula nang umalis sa kumpanya, maliban kung may mas mabuting patakaran ang kompanya.

Kasama sa final pay ang hindi pa nababayarang sahod, pro-rated 13th month pay, separation o retirement pay, cash for unused leaves, tax refunds, at iba pang benepisyo ayon sa patakaran o kasunduan ng kumpanya.

Dapat din magbigay ang employer ng COE sa loob ng tatlong araw mula sa kahilingan ng empleyado.

-- ADVERTISEMENT --

Binalaan ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na ang mga employer na nagde-delay o humahawak sa final pay at employment records “are breaking the law and could face complaints or penalties.”

Inulit din ng Bureau of Working Conditions ng DOLE ang obligasyon ng employer na magbigay ng final pay sa loob ng 30 araw at COE sa loob ng tatlong araw, at sinabi na ang COE ay magsisilbing patunay ng employment upang makatulong sa paghahanap ng bagong trabaho.

Babala ng DOLE, ang hindi pagsunod sa labor standards ay maaaring magdulot ng mga alitan at pormal na reklamo.