-- ADVERTISEMENT --

Makikipagpulong si DPWH Secretary Vince Dizon sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) upang talakayin ang posibleng pagyeyelo at pagkumpiska ng ari-arian ng mga indibidwal na sangkot sa umano’y maanomalyang proyekto sa flood control. Ito ay kasunod ng pagsasampa ng mga kaso sa Office of the Ombudsman laban sa dating mga opisyal ng DPWH at ilang pribadong kontratista kaugnay ng mga proyektong nagkakahalaga ng bilyon-bilyong piso.

Bumuo rin ang DPWH ng hiwalay na grupo upang habulin ang mga kontraktor, kabilang ang pagsusuri sa kontrata, bond, at warranty ng mga proyekto, partikular na sa flood control na may hanggang limang taong garantiya.

Ayon kay Dizon, magpapatuloy ang lingguhang pagsasampa ng kaso laban sa mga sangkot sa katiwalian.