-- ADVERTISEMENT --

NUMANCIA, Aklan — Nilinaw ng Department of Public Works and Highways (DPWH)-Aklan na nakompleto na ang kanilang ginawang revetment wall project sa Brgy. Albasan, Numancia na nagkakahalaga ng mahigit sa P48 milyon.

Ito ang sinabi ni Punong Barangay Royden Perlas ng naturang lugar matapos siyang sumulat sa nasabing ahensiya kung saan copy furnished ang national office upang alamin ang status ng proyekto.

-- ADVERTISEMENT --

Aniya ang proyekto ay sinimulan sa termino ng dating punong barangay ng lugar.

Inakala umano ni Kapitan Perlas na hindi na tapos ang proyekto dahil malayo ang distansiya ng istraktura sa kanilang tulay na kumukonekta sa Brgy. Bubog.

Ang concrete revetment wall ay may habang 210-lineal meter na bahagi ng flood control project sa lugar.

Maliban sa itinalagang pondo at date of completion, wala na umanong ideya si Kapitan Perlas kaugnay sa iba pang detalye ng proyekto.

Hindi niya rin masabi kung magkakaroon ng panibagong pondo para sa construction ng dagdag na mga istraktura.

Nasa kamay na umano ng Commission on Audit (COA) ang paghimay sa pondong ginamit sa proyekto.