-- ADVERTISEMENT --
BORACAY, Island — Nagpositibo sa drug test ang naarestong nagbebenta ng droga sa isinagawang drug buy bust operation sa Sitio Cagban, Barangay Manoc-manoc sa isla ng Boracay, araw ng Miyerkules, Hulyo 9, 2025.
Nakilala ang suspek na si alyas Jose, 30 anyos at residente ng Barangay Tobias Fornier, Antique at pansamantalang naninirahan sa nasabing lugar.
Isinailalim sa inquest proceedings ang nasabing suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Nabilhan ang suspek ng isang sachet ng suspected shabu na nagkakahalaga ng P1,100.
Sa isinagawang body search, nakuhaan ng dagdag na 5 sachet ng suspected illegal drugs na nakalagay sa pakete ng sigarilyo na may street value na P224,000.
-- ADVERTISEMENT --