-- ADVERTISEMENT --

Patuloy na pinapalakas ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang disaster response nito para sa mga pamilyang apektado ng pag-aalboroto ng Bulkang Mayon.

Umabot na sa mahigit ₱7.8 milyon ang naipagkaloob na tulong, kabilang ang libo-libong family food packs, ready-to-eat food boxes, at iba’t ibang non-food items.

Dahil nananatili sa Alert Level 3 ang bulkan, inaasahang magtatagal ang pananatili ng mga lumikas sa evacuation centers kaya’t nagtayo ang DSWD, katuwang ang Philippine Army at Philippine Coast Guard, ng tent city sa Malilipot, Albay.

Patuloy rin ang pamamahagi ng mainit na pagkain sa pamamagitan ng mobile kitchen at suplay ng malinis na tubig mula sa mobile water station mula pa noong Enero 9.

Tiniyak ng ahensya na tuloy-tuloy ang relief operations at mahigpit ang koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan upang matugunan ang pangunahing pangangailangan ng mga apektadong komunidad at mapanatili ang maayos at makataong kalagayan sa mga evacuation at tent sites.

-- ADVERTISEMENT --