Masubra 3K nga indibidwal, na-displace bangod sa mga pag-uean nga daea it bagyong Ferdie – NDRRMC
-- ADVERTISEMENT --

Naka-monitor at naka-standby na ang lahat ng field offices ng Department of Social and Welfare Development o DSWD region VI sa mga bayan at lalawigan na posibleng tamaan ng tropical storm Opong.

Ayon kay John Angelo Miranda, information officer II ng disaster response management division ng DSWD region VI, nakahanda ang lahat nang field offices ng ahensya sa pag-alalay at paga-ayuda sa mga maaaring maapektuhan ng binabantayang masamang panahon.

Nauna na silang nagpatawag ng meeting sa lahat nang quick response team mula sa mga provincial offices para pag-usapa ang preparasyon at ang kaukulang pagre-responde sa mga maaapektuhang pamilya at indibdiwal sa nasabing rehiyon.

Base sa kanilang datos, halos nasa 481 affected families ang naitala sa nagdaang Super Typhoon Nando.

Dahil dito, nakaayuda sila ng family food packs na nagkakahalaga ng P148,290 pesos at non-food items na nagkakahalaga ng  P10,798 pesos.

-- ADVERTISEMENT --

Sa kasalukuyan pa aniya ay may standby relief resources ang ahensya na aabot sa P117 milyon pesos na kinabibilangan ng family foods packs ng nagkakahala ng mahigit P82 milyon pesos; ready to food items na nagkakahalaga ng higit sa P5 milyon pesos; non-food items na nagkakahalaga ng mahigit P26 milyon pesos  at standby funds na umaabot sa mahigit P2 milyon pesos.