Pinalakas pa ng Department of Trade and Industry (DTI) Region 6 ang suporta para sa mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs) bilang susi sa mabilis at inklusibong pagbangon ng ekonomiya sa Western Visayas.
Sa ilalim ng temang “Asenso Negosyo, Angat Kabuhayan: Bagong Pilipinas!”, inilunsad ang National MSME Development Week na nagtatampok sa mga aktibidad gaya ng trade fairs, product innovation workshops, financial literacy seminars, at digital transformation trainings sa buong rehiyon.
Ayon kay DTI-6 Regional Director Rachel Nufable, mahalaga ang MSMEs sa paglikha ng trabaho at pag-angat ng mga komunidad mula sa kahirapan.
Sa lalawigan ng Aklan isasagawa ang Negosyo Center Information Caravan at Product Development Workshop.
Layunin ng kampanya na pag-isahin ang gobyerno, pribadong sektor, at MSME community para makabuo ng mas matibay at kompetibong entrepreneurial ecosystem sa rehiyon.