-- ADVERTISEMENT --

Iginawad ng Kosovo ang citizenship kay Dua Lipa, isang British-Kosovan pop star, bilang pagkilala sa kanyang ambag sa kultura at bansa.

Ipinanganak sa London sa mga magulang na Kosovan-Albanian, si Lipa ay pansamantalang nanirahan sa Pristina noong bata pa siya.

Tinawag ng Pangulong Vjosa Osmani si Lipa bilang isa sa “pinakamahalagang pigura sa kultura ng Kosovo.”

Dumalo si Lipa sa seremonya kasabay ng Sunny Hill Festival, isang music event na itinatag niya at ng kanyang ama noong 2018 upang baguhin ang imahe ng Kosovo.

Bukod sa Kosovo, may pagkamamamayang British at Albanian na rin si Lipa.

-- ADVERTISEMENT --

Noong 2022, ginawaran din siya ng titulong Honorary Ambassador of Kosovo.

Patuloy siyang gumagawa ng proyekto para sa mga komunidad sa Kosovo at ibinahagi ang kanyang pagmamahal sa bansa sa pamamagitan ng musika at adbokasiya.