-- ADVERTISEMENT --
Nabitin ang kampanya ng Filipina tennis star na si Alex Eala sa Jingshan Tennis Open matapos siyang matalo kay Lulu Sun ng New Zealand sa semifinals, 6-3, 4-6, 2-6, nitong Sabado sa China.
Maganda ang panimula ni Eala matapos makuha ang unang set, ngunit bumawi si Sun na kasalukuyang No. 146 sa mundo at tuluyang nanaig hanggang sa huling set.
Bago ang pagkatalo, tinalo ng 19-anyos na Pinay ang mga kalabang sina Aliona Falei, Mei Yamaguchi, at Lu Jia-jing.
Si Eala, na kamakailan lang ay nagwagi ng WTA 125 title sa Guadalajara, Mexico, ay muling sasabak ngayong Lunes sa Suzhou WTA 125, kung saan makakaharap niya si Katarzyna Kawa ng Poland sa unang round.