-- ADVERTISEMENT --

Nanawagan ang Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2) sa pamahalaan na unahin ang pagpapatayo ng mga silid-aralan para sa Kindergarten hanggang Grade 3 upang maibsan ang classroom shortage at matugunan ang lumalalang learning crisis.

Ayon kay Karol Mark Yee, executive director ng EDCOM 2, mayroong higit 165,000 classroom backlog sa bansa kahit na may nakalaang ₱28 bilyon sa 2026 National Expenditure Program.

Tinatayang 5.1 milyong mag-aaral ang apektado ng sobrang siksikan sa mga klase.

Dahil sa kakulangan, maraming paaralan ang gumagamit ng multi-shift schedules, kung saan may mga batang pumapasok lamang tatlong beses isang linggo.

Binanggit ni Yee na kritikal ang panahong Grade 1 hanggang Grade 3 dahil dito natututo ang mga bata bumasa at nagsisimula ang problema sa literacy.

-- ADVERTISEMENT --

Giit ng EDCOM 2, dapat ituon muna ang pondo sa K-3 classrooms upang masigurong ang mga batang hindi pa independent learners ay makakatanggap ng tamang paggabay mula sa mga guro sa face-to-face classes.