KALIBO, Aklan — Naitala ng ekonomiya ng Aklan ang 3.3 porsiyentong paglago noong 2025, mas mabagal kumpara sa 6.1 porsiyentong paglago noong 2024, batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) na inilabas nitong Oktubre 13, 2026.
Ayon sa PSA, umabot sa ₱76.41 bilyon ang Gross Domestic Product (GDP) ng lalawigan noong 2025. Pinakamabilis namang lumago ang sektor ng human health and social work activities sa 15.1 porsiyento, kasunod ang public administration and defense sa 13.9 porsiyento at financial and insurance activities sa 9.5 porsiyento.
Samantala, pinakamalaking pagbaba ang naitala sa construction na umabot sa 16.7 porsiyento, kasunod ang mining and quarrying sa 11.7 porsiyento at agriculture, forestry and fishing sa 8.5 porsiyento.
Tumaas naman sa ₱119,237 ang per capita GDP ng Aklan noong 2025, mula sa ₱116,401 noong nakaraang taon, katumbas ng 2.4 porsiyentong pag-angat.












