Mariing pinabulaanan ni Ellen Adarna ang mga ulat na maituturing na “good provider” ang estranged husband niyang si Derek Ramsay para sa kanilang anak na si Liana o “Lili.”
Sa Instagram Stories noong Pebrero 20, 2026, sinagot ng aktres ang mga pahayag ng columnist-vlogger na si Cristy Fermin hinggil sa umano’y sustento at suportang ibinibigay ng aktor.
Ayon kay Adarna, kamakailan lamang nagbigay si Ramsay ng credit card na may ₱50,000 buwanang limit na hindi umano sapat para sa kabuuang gastusin ng kanilang anak. Nilinaw din niyang siya ang sumasagot sa suweldo ng kanilang mga kasambahay at isa lamang na nanny ang tinustusan noon ng aktor.
Ibinunyag din ng aktres na mula Oktubre hanggang Disyembre 2026 ay wala umanong naibigay na regular na sustento si Ramsay, maliban sa ilang gatas at diaper na hindi nila natunton. Hinamon din niya ang kampo ng aktor na magpakita ng resibo upang patunayan ang mga sinasabing naipadalang gamit.
Sa kasalukuyan, wala pang inilalabas na opisyal na pahayag si Ramsay hinggil sa isyu.













