-- ADVERTISEMENT --

Inanunsyo ni Pangulong Donald Trump na papatawan ng 30% taripa ang mga produkto mula European Union at Mexico simula Agosto 1.

Banta rin niya, posibleng mas mataas pa ang ipataw kung gaganti ang mga ito.

Ayon kay Trump, matagal nang may hindi patas na ugnayan sa kalakalan sa EU dahil sa mga taripa at trade barriers nito.

Subalit, tumugon si EU Commission President Ursula von der Leyen na handa pa rin silang makipagkasundo bago ang deadline at magpatupad ng mga proportionate countermeasures kung kakailanganin.

Sinabi ni Trump na hindi sapat ang ginagawa ng Mexico para pigilan ang North America na maging “Narco-Trafficking Playground”, bagay na tinutulan ng Mexico at tinawag ang hakbang bilang “hindi makatarungan.”

-- ADVERTISEMENT --

Bukod sa EU at Mexico, pinatawan din ng bagong taripa ang Japan, South Korea, Canada, at Brazil simula rin sa Agosto 1.