Itinalaga ng Malacañang si dating PNP chief Rodolfo Azurin Jr. bilang investigator at special adviser ng Independent Commission for Infrastructure (ICI), kapalit ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na nagbitiw matapos lamang ang dalawang linggo sa puwesto.
Tiwala ang Palasyo na magagamit ni Azurin ang kaniyang karanasan upang mapalakas ang mandato ng ICI sa transparency at accountability sa paggamit ng pondo ng bayan.
Sa isang pahayag, sinabi ni Azurin na karangalan niyang tumulong sa administrasyon sa laban kontra korapsyon.
Nagpasalamat naman si Pangulong Marcos kay Magalong sa naging kontribusyon nito sa kampanya laban sa katiwalian.
Samantala, nilinaw ni Pasig Mayor Vico Sotto na hindi siya inalok na maging kapalit sa ICI, taliwas sa ulat ng isang news channel.
Umani naman ng batikos ang ICI dahil sa desisyon nitong huwag i-livestream ang mga pagdinig.
Giit ng ilang senador at kongresista, hindi magiging tunay ang pananagutan kung walang transparency sa proseso ng imbestigasyon.