-- ADVERTISEMENT --

Kinumpirma ni Executive Secretary Lucas Bersamin na wala pang “warrant of arrest” na inilabas ang International Criminal Court (ICC) laban sa mga co-accused ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kasong crime against humanity.

Inihayag ng opisyal na hanggang sa ngayon ay wala pa silang natatanggap na warrant of arrest mula sa ICC na idinaan sa Interpol.

Itinanggi naman ni Bersamin na may sinabi siyang may warrant of arrest na laban sa iba pang akusado gaya ni Senator Bato Dela Rosa at iba pa.

Ngunit, inihayag nito na sakaling may warrant of arrest ang ICC, kagayang proseso parin ang ipapatupad ng pamahalaan gaya sa ginawang pag aresto kay dating Pangulong Rodrigo Dutere.

Binigyang diin ni Bersamin na may batas na ipinasa ang Kongreso na nagpapahintulot sa gobyerno na isuko ang akusado na nahaharap sa kasong crimes against humanity at human rights o sundin ang extraditon proceedings.

-- ADVERTISEMENT --