-- ADVERTISEMENT --

KALIBO, Aklan—Umapela ang Federation of Free Farmers ng agarang pagtigil ng rice at pork importation dahil sa matinding epekto nito sa local na magsasaka at hog raisers sa bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Federation of Free Farmers chairman Leonardo Montemayor, nahihirapan ang mga local hog raisers na makabangon dahil sa over supply ng imported pork at mababang taripa na nagdulot sa pagbebenta ng baboy sa mas mababa sa production cost.

Umaabot aniya sa ₱250 milyon pesos bawat araw ang lugi ng sector dahilan upang ipanawagan ng grupo ang agarang pagsuspinde ng importasyon.

Samantala, inakusahan ni Montemayor ang pamahalaan na posibleng hindi aniya nasunod ang nakahalad sa ilalim ng Rice Tariffication Law sa importasyon ng bigas mula sa India at iba pang kalapit bansa dahil sa Planters Products Inc. (PPI), na dapat umano’y linawin kung government-owned and controlled corporation (GOCC) o pribadong korporasyon.