-- ADVERTISEMENT --

Bumaba sa 1.7 ang karaniwang bilang ng anak ng mga Pilipina, pinakamababa mula nang maitala ang datos at malayo sa 4.1 noong 1993, ayon sa 2025 National Demographic and Health Survey ng Philippine Statistics Authority. Mas mababa ang fertility rate sa urban areas (1.5) kaysa sa rural areas (2.0), at pinakamababang naitala sa Calabarzon, National Capital Region, at Negros Island. Pinakamataas naman sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, Zamboanga Peninsula, at Caraga.

Bumaba rin sa 4.8 porsiyento ang teenage pregnancy, bagamat mas mataas pa rin ito sa mga rural areas. Patuloy ang pagtaas ng panganganak sa health facilities at presensya ng skilled birth attendants, habang bumaba ang under-five mortality at tumaas ang bilang ng mga batang kumpleto sa bakuna at nasa maayos na pag-unlad.

Umabot sa 44.5 porsiyento ang paggamit ng modern contraceptives sa may-asawang kababaihan. Bumaba ang kaso ng karahasan mula sa kapareha, ngunit tumaas ang porsiyento ng mga inang naniniwalang kailangan ang pisikal na parusa sa anak.