Pumanaw na ang isang Filipinang caregiver na si Leah Mosquera na nakabase sa Israel, isang buwan matapos magkaroon ng malubhang pinsala sa pag-atake ng missile mula sa Iran sa kaniyang apartment sa Rehovot.
Ayon sa Philippine Embassy sa Israel, nasawi si Mosquera, 49-anyos mula sa Negros Occidental, umaga ng Linggo, Hulyo 13, 2025.
Una rito, kaagad na nadala sa Shamir Medical Center si Mosquera kasunod ng insidente kung saan, isinailalim siya sa ilang operasyon at tumagal sa intensive care unit ng ospital.
Inalagaan ito ng kaniyang kapatid na si Joy na isa ring OFW sa Israel.
Dagdag pa ng Philippine Embassy, ang nasabing pag-atake ay nag-iwan ng inde bababa sa dalawang Filipinong critically injured.
Sa gitna ng kalungkutan sa pagkasawi ni Mosquera, muling nananawagan ang Philippine Embassy sa Israel para sa proteksyon ng mga sibilyan, kabilang na ang mga dayuhang manggagwa sa gitna ng digmaan.