-- ADVERTISEMENT --

IBAJAY, Aklan — Pormal nang nanumpa bilang vice mayor ang first councilor ng Ibajay, Aklan  bilang kapalit ng napaslang na si Vice Mayor Julio Estolloso.

Ito ay matapos na manumpa sa harap ni Ibajay Mayor Jose Miguel Miraflores si councilor Nestor Inocensio, bilang bagong talagang bise alkalde, umaga ng Lunes, Agosto 11, 2025.

Sinaksihan ang seremonya ng iba pang mga konsehal at empleyado ng munisipyo na pawang nakasuot ng puting damit at itim na arm band bilang simbolo ng kanilang pagluluksa sa pagkamatay ng bise alkalde.

Si Inocensio ay mananatiling vice mayor sa bayan ng Ibajay hanggang sa matapos ang terminong iniwanan ng pinaslang na si Estolloso.

-- ADVERTISEMENT --

Matatandaan na nitong Biyernes Agosto 8, 2025 ay pinagbabaril at napatay si Vice Mayor Estolloso sa loob ng kanyang tanggapan sa Sangguniang Bayan Office ng kaalyadong konsehal na si Mihrel Senatin.

Samantala, nagsagawa naman ng blessing o pagbebendisyon sa pinangyarihan ng krimen.