-- ADVERTISEMENT --

Nilimitahan ng pamahalaan ng France ang direktang pakikipag-ugnayan ni Charles Kushner sa mga ministro ng gobyerno matapos itong hindi dumalo sa summons ng French Foreign Minister na si Jean-Noël Barrot.

Ipinatawag ang embahador kaugnay ng kanyang mga pahayag tungkol sa pagkamatay ng 23-anyos na si Quentin Deranque, na nasawi matapos ang isang rambol sa Lyon noong Pebrero 12. Kaugnay nito, dalawang suspek ang nahaharap sa kasong murder at 11 ang inaresto.

Sa kabila ng restriksiyon, maaari pa ring gampanan ni Kushner ang kanyang mga tungkuling diplomatiko. Lumala ang tensyon matapos tutulan ng France ang umano’y pakikialam sa panloob na usaping pulitikal, kasunod ng pahayag mula sa US State Department na nag-uugnay sa insidente sa “violent radical leftism.”