-- ADVERTISEMENT --

Nasungkit ni Ryan Garcia ang kanyang unang major world title matapos talunin si Mario Barrios sa unanimous decision upang makuha ang WBC welterweight championship sa Las Vegas.

Naipatumba ni Garcia si Barrios sa unang round at kontrolado ang buong laban hanggang sa huli, na nagresulta sa iskor na 119-108, 120-107 at 118-109 pabor sa kanya. Umangat sa 25-2 (20 KOs) ang rekord ni Garcia, na dati ring nagwagi ng WBC interim lightweight title noong 2021. Matatandaang nabawi ang kanyang panalo laban kay Devin Haney noong 2024 matapos magpositibo sa ipinagbabawal na sangkap, at nabigo rin siya sa tangkang makuha ang WBA “regular” welterweight belt laban kay Rolando Romero.