-- ADVERTISEMENT --
Kinumpirma ng aktres na si Gee Canlas na hiwalay na sila ng kanyang asawang si Archie Alemania.
Sa panayam kay Boy Abunda noong Marso 3, inamin ni Gee na hindi na sila magkasama ng aktor, kasunod ng mga espekulasyon sa social media nang tukuyin niya ang sarili bilang “solo parent.” Ikinasal ang dalawa noong 2018 at may isa silang anak.
Ayon sa aktres, matagal at mabigat ang naging desisyon na wakasan ang kanilang pagsasama at siya ang unang umalis sa relasyon. Ibinahagi rin niya na matagal na niyang nararamdaman na tila nawawala ang kanyang sarili habang pilit na pinananatili ang kanilang pamilya. Sa ngayon, wala pang pahayag si Archie hinggil sa hiwalayan.













