-- ADVERTISEMENT --

Nalasap ng Gilas Pilipinas ang unang pagkatalo sa 2027 FIBA Basketball World Cup Asian Qualifiers matapos yumuko, 69-66, sa New Zealand sa ikalawang window.

Ito ang ikapitong panalo ng Tall Blacks laban sa Gilas sa walong pagtatagpo at ikatlong sunod na tagumpay kontra sa pambansang koponan. Nanguna sa New Zealand sina Max Darling na may 11 puntos, at Sam Mennegga at Alex McNaught na may tig-10 puntos, upang umangat sa 1-2 rekord at pumuwesto sa ikatlo sa Group A.

Pinangunahan ni Dwight Ramos ang Gilas na may 16 puntos, habang umiskor si CJ Perez ng 15 at si Juan Gomez de Liaño ng 10. Bumagsak sa 2-1 ang Pilipinas ngunit nananatili sa ikalawang puwesto sa grupo. Susunod na haharapin ng Gilas ang Australia sa darating na Linggo sa parehong venue.