-- ADVERTISEMENT --

KALIBO, Aklan — Iginiit ni Navotas City Rep. Toby Tiangco na dapat gawin ng gobyerno ang lahat para makasuhan sa Office of the Ombudsman si dating Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy Co.

Sa panayam ng Bombo Radyo Kalibo, sinabi ni Tiangco na mahalagang ebidensiya ang testimonya ni District Engineer Henry Alcantara sa Senate Blue Ribbon Committee, mas malaki pa ang nakukuha ni Zaldy Co na 20 to 25% na kickback sa bawat proyekto kumpara sa mga contractor at Department of Public Works and Highways (DPWH).

Aniya si Co ang nasa likod ng budget insertions sa 2025 national budget at kuwestyunableng flood control projects dahil siya ang chairperson ng House Committee on Appropriations ng nakaraang Kongreso.

Dapat umano itong managot at hindi sapat ang pagbitiw nito na ang pangunahing layunin lang naman ay takasan ang imbestigasyon ng Ethics Committee ng House of Representatives.

Samantala, naniniwala si Tiangco na hindi kayang imbestigahan ng Kamara ang mga miyembro nito na sangkot maanomaliyang flood control projec dahilan na mas mabuting ipaubaya na lamang ito sa Independent Committee for Infrastructure (ICI).

-- ADVERTISEMENT --