Umaasa ang grupong “No jepneey phase-out coalition” na kagaya sa lungsod ng Bacolod, mangyari din sa Iloilo na payagan ang pagrenew ng provisional authority at registration ng mga traditional jeepney operators and drivers.
Nilinaw ni Elmer Forro, provincial coordinator ng No jepneey phase-out coalition na isinuspindi ang Local Public Transport Route Plan (LPTRP) sa Bacolod dahilan na nakagawa ng hakabang ang kanilang lokal na pamahalaan na payagan ang pagrenew ng importanteng dokumento ng mga jeepney operators and drivers.
Patuloy aniya ang kanilang panawagan sa LGU Iloilo na suspindihin din ang LPTRP upang mabigyan ng pagkakataon ang mga unconsolidated jeepney operators and drivers na makarenew ng kanilang provisional authority at registration upang maging legal ang kanilang pamamasada para sa kaligtasan na rin ng kanilang mga pasahero.
Dagdag pa ni Forro na patuloy ang kanilang pakikipaglaban dahil hindi nila nakitaan ng magandang resulta ang Public Transportation Modernization Program (PTMP) na dating Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan kundi dagdag pabigat at pasanin para sa sektor ng transportasyon.













