-- ADVERTISEMENT --

MALAY, Aklan — Arestado ang isang habal-habal driver sa ikinasang buy-bust operation dahil sa umano’y gunrunning o pagbebenta ng iligal na baril, araw ng Lunes, Hulyo 21 sa Sitio Lugutan, Brgy. Manoc-manoc, Boracay.

Base sa report, naaresto ang suspek na si Novy Cris Tasoy, 38-anyos residente ng Brgy. Laserna, Nabas at nagtatrabaho sa isla ng Boracay.

-- ADVERTISEMENT --

Nasamsam ng mga awtoridad ang isang Caliber .45 na baril, magazine na kargado ng 6 nga bala na ibinebenta umano niya sa poseur buyer sa halagang P10,000.

Narekober rin sa suspek ang isang bag na naglalaman ng kutsilyo at pera.

Sa isinagawang body search, nakuha sa kanyang posesyon at kontrol ang dalawang sachet ng pinaghihinalaang shabu na tumitimbang ng nasa 10 gramo.

Mariin namang itinanggi ni Tasoy na siya ang nagmamay-ari ng nakuhang baril.

Sinabi pa nito na  dati na siyang sumuko sa Oplan Tokhang noong 2016.

Samantala, tinitingnan pa ng Malay Municipal Police Station ang kanyang mga koneksyon, posibleng mga customer, at magsasagawa ng karagdagang pagsisiyasat sa kanyang mga aktibidad sa pagbebenta.

Maaaring kasuhan ang suspek dahil sa paglabag sa comprehensive law on firearms and ammunition at paglabag sa batas kaugnay sa droga .