Umaabot na sa kabuuang P52.8 milyon pesos ang halaga ng ayuda na naipamigay ng Department of Social Welfare and Development o DSWD sa mga lokal na gobyerno na nasalanta ng nakaraang mga bagyo sa buong Western Visayas.
Ayon kay Therese Fely Legaste, regional information officer ng DSWD region 6, sa probinsya ng Aklan, halos 2,116 family food packs ang kanilang naipamigay na umaabot ng P1.2 milyon; Antique na nasa 19,945 family food packs na umit 11.4 milyon; Capiz nga nagkakahalaga sa 2,334 family food packs nga nagabalor it P1.2 milyon pesos; Iloilo province na halos 13,020 family food packs na may halaga na P7.8 milyon pesos at Iloilo City na halos 7,975 family food packs o P4.6 milyon pesos.
Dagdag pa ni Legaste na hindi lamang family food packs ang kanilang naipamigay kundi maging ang mga non food items sa mga apektadong pamilya. Ito ay kinabibilangan ng mga hygiene kits, personal needs at iba pa kung saan prayoridad nito ang mga displaced families.
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang kanilang pag-assess sa iba pang mga barangay na apektado ng sunod-sunod na kalamidad.
Magpapatuloy din ang kanilang pag-ayuda hanggang sa may nangangailangan ng tulong at sapat pa ang kanilang pondo para dito.