Ini-relieve na sa pwesto ang hepe ng Batan Municipal Police Station na si PCapt. Ryan Batadlan matapos na ireklamo ng pananakit sa isang 25-anyos na seafarer sa isinagawangbenefit dance sa Brgy. Angas, Batan, madaling araw ng Agosto 16, 2025.
Una rito, lumabas ng mabilisan sa sayawan ang 25-anyos na lalaki na residente ng Brgy. Man-up upang bumili sana ngunit nilapitan umano ito ng isang binatilyo na nung una ay inaakalang patitripan siya. Ngunit may sumunod na grupo ng mga kalalakihan at dito na siya pinagtulungan na saputihin hanggang sa nakita ng kanyang ama mismo na si Man-up Punong Barangay Junil Bolivar na pati siya ay nakatikim din ng suntok mula sa grupo ng mga binatilyo nang tulungan nito ang kanyang anak.
Pagpasok nila ulit sa sayawan, dito na sila nakahinga at inakalang ang lumapit na police officer ay tutulog sa kanila.
Subalit, lubos ang kanilang pagkagulat nang mismong ang biktima pa umano ang sinapak ni PCapt. Batadlan dahilan para awatin ito ng barangay council.
Ang nasabing insidente ay natulak sa pamilya para ireklamo ang hepe ng pulisya at agad naman na nakarating sa kaalaman ng pamunuan ng Aklan Police Provincial Office ang nasabing reklamo.
Kaugnay nito, ipinahayag ni PMSgt. Jane Vega, tagapagsalita ng Aklan PPO na ipinailalim na sa masusing imbestigasyon si PCapt. Batadlan.
Sa oras umano na may makita na probable cause o mapatunayang totoo a ng reklamo ay dito na pwedeng sampahan ng kaso ang hepe ng pulisya.
Sa kabila nito, tiniyak ng Aklan PPO na hindi nila pinahihintulutan ang kapareho nitong reklamo at kung mapatunayan talaga na may lapses sa bahagi ng PNP personnel ay tiniyak nila na bibigyan ito ng nararapat na aksyon.
Umaasa sila na nananatili parin ang kumpyansa ing publiko sa kapulisan.