-- ADVERTISEMENT --

Umabot na sa mahigit 307 ang nasawi dahil sa malalakas na pag-ulan, baha, at landslide sa Pakistan at Pakistan-administered Kashmir, ayon sa mga otoridad.

Pinakamatinding tinamaan ang Khyber Pakhtunkhwa province kung saan daan-daang tahanan ang napinsala at isang rescue helicopter ang bumagsak, ikinamatay ng limang crew.

Naitala rin ang siyam na patay sa Pakistan-administered Kashmir at lima sa Gilgit-Baltistan.

Sa Indian-administered Kashmir naman, hindi bababa sa 60 katao ang nasawi matapos lamunin ng baha ang isang nayon sa Himalayas.

Dahil sa trahedya, idineklara ang araw ng pagluluksa sa Khyber Pakhtunkhwa.

-- ADVERTISEMENT --

Nagbabala rin ang mga forecaster na magpapatuloy ang malalakas na pag-ulan hanggang Agosto 21.

Ayon sa mga eksperto, pinalala ng climate change at mabilis na pagkatunaw ng yelo sa hilagang Pakistan ang pagbaha at landslide, dahilan para mas lumala ang epekto ng monsoon rains na nagdadala ng tatlong-kapat ng taunang ulan sa rehiyon.