-- ADVERTISEMENT --

Nanawagan si House Minority Leader at 4Ps Party-list Rep. Marcelino Libanan ng masusing pagsusuri sa panukalang 2026 budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH), partikular sa PHP250.8 bilyong alokasyon para sa mga flood control project.

Sa pagdinig ng House Committee on Appropriations, kinuwestyon ni Libanan ang basehan ng DPWH sa pagtukoy ng mga lugar na bibigyan ng pondo, dahil may mga probinsyang hindi flood-prone ang nakatanggap, habang napabayaan ang mga lugar na madalas bahain.

Tinukoy rin niya ang umano’y kahina-hinalang proyekto sa Eastern Samar, kung saan may mga imprastrukturang itinayo sa mga lugar na wala sa hazard maps, habang ang mga baybaying bayan ay nananatiling walang proteksyon laban sa bagyo.

Iginiit ni Libanan ang pangangailangan ng tamang pagpaplano, tapat na alokasyon ng pondo, at mahigpit na monitoring upang maiwasan ang mga ghost project at masigurong napupunta ang pondo sa mga komunidad na tunay na nangangailangan.

-- ADVERTISEMENT --