Ipinaliwanag ng isang abogado at political analyst ang kasong Anti-Graft and Corrupt Practices Act ukol sa paglabag sa Republic Act 3019 na kinakaharap ngayon ng mag-amang Navarossa na naka-upo bilang mayor at vice mayor sa bayan ng Libacao.
Ayon kay Atty. Harry Sucgang, ang Sandiganbayan ang korte na humahawak sa ganitopng uri ng kaso dahi hindi ito kakayanin ng regular court.
Ang Sandiganbayan uman ang nagbubusisi at naghihimay-himay sa reklamo hanggang sa isasampang kaso.
Ang kasong Anti-Graft and Corrupt Practices Act ay ang hindi tamang paggamit ng pondo ng kaban ng bayan o nagpapa-totoo na may anomalya na ginawa ang inireklamong opisyal.
Maaalalang ipinag-utos ng Sandiganbayan ang agarang pag-aresto kina Libacao mayor Vincent Navarosa at ang kanyang ama na si Vice Mayor Charito Navarosa pati na rin sina Peter Zapues Orbista, Gary Rivera Gaylan, at Sherwin Flores dahil sa nasabing kaso at kasong direktang panunuhol sa ilalim ng Article 210 ng Revised Penal Code.
Batay sa warrant of arrest na pinermahan ni Associate Justice Zaldy T. Trespesses it Fifth Division it Anti-Graft Court, inutusan ang Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI), at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na ipatupad ang pag-aresto sa loob ng sampung araw mula sa kanilang pagtanggap nito.
Pinayagan ng korte na magpiyansa ang bawat isa sa kanila ng halos ₱90,000 para sa kasong anomaliya at ₱60,000 para sa kasong panunuhol para sa kanilang pansamantalang kalayaan.