-- ADVERTISEMENT --

Itatakda ng International Criminal Court (ICC) ang paglalabas ng desisyon sa apela ni dating Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa hurisdiksyon ng korte sa Abril 22, alas-5 ng gabi oras sa Pilipinas.

Tinututulan ng kampo ni Duterte ang kapangyarihan ng ICC na dinggin ang kanyang kaso at iginiit na wala itong legal na batayan, kasabay ng panawagang siya ay palayain. Nahaharap siya sa kasong crimes against humanity kaugnay ng kampanya kontra droga noong siya ay pangulo at alkalde ng Davao City.

Nauna nang isinagawa ang pagdinig sa kumpirmasyon ng mga sakdal noong Pebrero, kung saan hindi dumalo si Duterte matapos payagan ng korte ang kanyang kahilingan na hindi na humarap. Nakatakdang magpasya ang ICC kung may sapat na ebidensya laban sa kanya sa loob ng 60 araw matapos ang naturang pagdinig.